Camp Bernardino de Lavigan History, Location, How To Get There And What To Expect Inside The Resort

Camp Bernardino de Lavigan


Isa ang Camp Bernardino de Lavigan na kilalang Beach Resort sa Governor Generoso Davao Oriental. Kung saan dinarayo ito ng mga turista at ng mga local goers ang nasabing lugar dahil sa angking ganda nito, napakalinis ng dagat, at puting-puti ang buhangin.


Kaya naman di na nakapagtataka na pabalik-balik ang mga guest dito, dahil totoo nga namang tunay na makapagrelax sila at makapagbonding sa pamilya, at lalong lalo ang inang kalikasan.


Pero, alam mo ba ang history ng Camp Bernardino de Lavigan Resort? at Kung bakit nabuo ito at kailan ito unang nag-operate?



Camp Bernardino de Lavigan Brief History


Sa aking maikling panayam sa Operation Manager ng Camp Bernardino de Lavigan na si Miss Lady Mae Sotabento ay dito isinalaysay niya ang ugat at pinagmulan ng nasabing Beach Resort.


Camp Bernardino de Lavigan - Lady Mae Sotabento


Nang tinatanong ko siya kung ano ang history ng Camp Bernardino de Lavigan at kailan ito nagsimulang nag-operate ay ito ang sagot niya.

"Nag-start kami nag-operate noong July 18, 2020 during the pandemic, ito ang gusto ng amo namin na itayo na establishment ang Camp Bernardino de Lavigan, para sa mga local na gustong magkatrabaho, then more on locals din ang aming ginaserve pero with class.

 

Itong Camp Bernardino de Lavigan, ang pangalang Camp motif namin, then Bernardido is ang lolo ng amo ko, at namana niya ito at pina-emprove niya, then and Lavigan ang lugar kung saan nasasakop ang Resort ang Sitio Lavigan."


Kung saan nagsimula pala itong Camp Bernardino de Lavigan noong July 18, 2020 na kasagsagan ng pandemya na dulot ng COVID-19, na halos buong mundo ay apektado nito lalong lalo na ang Pilipinas.


Dito natin makikita na may magandang dulot din pala ang pandemyang iyon kahit papano, dahil dito naka edeya ang may-ari ng Beach Resort na itayo ang Camp Bernardino de Lavigan para din may mapagkikitaan ang mga residente ng Brgy. Lavigan at para din may mapapasyalan ang mga taong gustong makapagbonding sa pamilya at kalikasan.


Nabanggit din ni Miss Lady Mae Sotabento na ang pangalang Camp Bernardino de Lavigan ay hango sa kombinasyon ng, "Camp" kung saan ito ang motif ng nasabing Resort, kaya kung makikita natin puro mga camp ang design ng kanilang mga room/villa, "Bernardino" ay ang pangalan ng lolo ng may-ari na nagpamana ng lugar kung saan itinayo ang Resort, at ang "de Lavigan" kung saan ito ay sakop sa Brgy. Lavigan. Governor Generoso, Davao Oriental.


Where it is located, and How to get there?


Natanong din natin kay Miss Lady Mae Sotabento kung saan ang lokasyon at papaano pumunta sa Camp Bernardino de Lavigan.


Camp Bernardino de Lavigan Map


Ang Camp Bernardino de Lavigan ay matatagpuan sa Davao Oriental's southeastern tip. Kung saan sa slogan nga nitong "Taking you to a unique island living experience in Davao Oriental's southeastern tip" ay nakalagay dito ang isang lokasyon pero hindi ito specific na sinabi kung anong Municipal at anong Barangay.


Ito ay matatagpuan sa Brgy. Lavigan. Governor Generoso, Davao Oriental kung saan sakop ito ng Municipality ng Governor Generoso.


Isinalaysay din ni Miss Lady Mae Sotabento kung papaano pumunta dito. From Davao City ay pwede kang sumakay ng Van or Bus na may signboard na Pundaguitan, at from pundaguitan ay pwede kang sumakay ng mga papasahirong motor or habal-habal papuntang Camp Bernardino de Lavigan Resort.


Samanatala, natanong naman natin si Miss Abigail Leonardo ang  Reservation Staff ng Camp Bernardino de Lavigan kung ano ang mga available na mga rooms/villa na kanilang ino-offer sa kanilang mga bisita na gustong mga overnight stay.


Camp Bernardino de Lavigan - Abigail Leonardo


Dito ay isa-isang sinalaysay ni Miss Abigail Leonardo ang mga availabe rooms/villas at mga amenities nito.


EAST CAMP

  • Superior Tent (4 Twin Beds) - 8 Pax - PHP 11,600 
  • Family Tent (1 Queen Bed, 2 Twin Beds) - 6 Pax - PHP 9, 600 

Amenities:

  • Air-Conditioned Tent Accommodation
  • Private detached Toilet & Bath
  • Private Nook With Tables and Chairs
  • Personal Guest Service Attendant
  • Bath and Personal Care
  • Safety Deposit Box
  • Coffee and Tea-making Facilities
  • Bottled Water


SOUTH CAMP

  • Deluxe Tent - 4 Pax - PHP 4,500
  • Standard Tent - 2 Pax - PHP 2,250

Amenities:

  • Cooling Fan Tent Accommodation
  • Access to Common Toilet & Bath
  • Bath and Personal Care
  • Bottled Water

What to expect inside the Resort?


Naitanong din natin kay Miss Lady Mae Sotabento kung ano ang eexpect ng mga guest kung sakaling makadesisyon sila na magstay overnight sa resort.


Camp Bernardino de Lavigan Beach


Dito ay isinalaysay niya na sa Camp Bernardino de Lavigan ay puti at orihinal ang buhangin, sigurado din maeenjoy ang kanilang beach dahil friendly ito at hindi maalon maliban nalang kung may bagyoo hindi maganda ang panahon. Dito ay makakarelax talaga sila, maka-unwind, makabonding sa pamilya at kalikasan at maka-sunset meet din sila sa resort.


Mayroon din silang mga water sports activities katulad ng Kayak, Jetskie at snorkeling, may available din silang bigboat para sa boat tour kung sakaling gusto ng mga guest na mamasyal sa dagat at pwede din sila pumunta sa Cape San Agustin Parola kung gusto nilang makita ang ganda nito mula sa dagat.


Available din ang Restaurant and Bar ng resort kung sakaling gusto silang mag-chill at kumain, maari ding umorder ng mga seafoods at kung ano mang gusto pagkain ng guest.


How to book in Camp Bernardino de Lavigan?


Tugon ni Miss Abigail Leonardo na kung sino man ang gustong magbook ay pwede silang pumunta sa official facebook page ng resort at doon itanong at eenquire ang booking. Camp Bernardino de Lavigan official Facebook page: https://www.facebook.com/campbernardino


Camp Bernardino de Lavigan Facebook Page


At pwede din dumuretso sa website nila at doon gawin ang booking sa resort booking system nila: https://hotels.cloudbeds.com/reservation/EKjA8I?fbclid=IwAR0JXIRbdt8HJMwVVLVKvv-YvwdFwxJ4iLyEHh6v9zExWhcgpQ8RZvpFVa4#checkin=2022-11-15&checkout=2022-11-16


Agad daw nila itong makikita dahil update at parati silang nakabantay sa mga papasok na booking.


Camp Bernardino de Lavigan staff


Kasabay nga nito ay inibentahan at inaaanyayahan nila ang sino man na gusto pumasyal at bumisita sa Camp Bernardino de Lavigan. Palaging nakahanda ang kanilang mga staff para sumalubong kung sino man ang gusto magstay sa resort.





Kaya ano pang hinintay ninyo, tara na at mag enjoy at mag-swimming sa Camp Bernardino de Lavigan.


Comments

Popular posts from this blog

Find Peace and Relaxation at Balai Lanca Beach Resort in Mati

Unleashing the Beauty of Tiny Hauz Beach Lanca

Yolly Beach Resort Mati: Your Perfect Beach Retreat